Bukas na ang Disaster Recovery Center sa East St. Louis; Dalwang Center ang Sarado sa Broadview at Rockford

Release Date Release Number
DR-4819-IL NR-20
Release Date:
Nobyembre 6, 2024

SPRINGFIELD – Ang FEMA/State Disaster Recovery Center ay magbubukas sa East St. Louis sa Huwebes, Nobyembre 7 sa sumusunod na lokasyon, araw at oras:

Clyde C. Jordan Senior Citizen Center
6755 State Street
East Saint Louis, IL 62203
Mga Oras: Lunes - Biyernes 8 a.m. – 6 p.m., Sabado 9 a.m. – 5 p.m., Sarado sa mga Linggo

Ang mga espesyalista mula sa FEMA, estado ng Illinois at U.S. Small Business Administration ay pupunta sa sentro upang tumulong sa mga nakaligtas na mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng mga dokumento, masagot ang kanilang mga tanong nang personal, ma-access ang iba pang mga uri ng tulong na maaaring makuha, at matuto ng mga paraan upang gawing mas matibay ang kanilang ari-arian.

Ang Broadview Disaster Recovery Center ay magsasara sa Huwebes, Nobyembre 7 ng 6 p.m. sa sumusunod na lokasyon:

Beverly Center
3031 South 25th Ave.
Broadview, IL 60155
Mga Oras: Miyerkules – Huwebes 8 a.m. – 6 p.m.

Ang Rockford Disaster Recovery Center ay magsasara sa Biyernes, Nobyembre 8 sa 6 p.m. sa sumusunod na lokasyon:

Forest City Church
1280 S. Alpine Rd.
Rockford, IL 61108
Mga Oras: Miyerkules – Biyernes 8 a.m. – 6 p.m.

Para sa pinakabagong impormasyon sa mga lokasyon at oras ng recovery center, bisitahin ang FEMA.gov/DRC. Maaaring bumisita sa kahit na anumang center para sa tulong.

Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan sa pitong itinalagang county na may pinsala o pagkawala kaugnay ng sakuna mula sa matinding bagyo noong Hulyo 13 -16 ay may hanggang Nobyembre 19 upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Para mag-apply nang hindi bumibisita sa center, mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang mobile app ng FEMA o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-a-apply ka.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819

Tags:
Huling na-update