Press Releases

Search by Date
Enter date range to search between
In an effort to keep FEMA.gov current, please see the content archive for information prior to January 20, 2025.
Ang mga kondominyum na tinitirhan ng may-ari at mga multi-family unit ay kwalipikado ngayon para sa pinondohan ng gobyernong programa sa pagtanggal ng mga labi.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Hindi lalampas sa isang linggo na lang ang natitira para sa mga may-ari ng bahay, nangungupahan, at mga negosyo na naapektuhan ng mga wildfire noong Enero sa Los Angeles County upang mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna. Lunes, Marso 31, ang huling araw ng aplikasyon para sa parehong tulong sa sakuna mula sa FEMA mababang interes na pautang sa sakuna mula sa U.S. Small Business Administration (SBA).
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Pagsapit ng Marso 25, mahigit dalawang buwan na mula nang ideklara ng pangulo ang mga wildfire sa Los Angeles County bilang isang malaking kalamidad, ang FEMA at ang mga pederal na partner nito ay nagbigay ng higit $2 bilyon para sa mga nakaligtas sa kalamidad.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Marso 31 ang huling araw para mag-apply o magsumite ng impormasyon para sa maraming mahahalagang programa ng tulong sa sakuna para sa mga indibidwal na apektado ng Malalaking Sunog sa Los Angeles.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Kung nasira ng mga wildfire sa Los Angeles County o ng mga straight-line winds mula Enero 7 – Enero 31, 2025 ang iyong bahay o personal na ari-arian, maaari kang maging kwalipikado para sa tulong sa nasalanta ng kalamidad mula sa FEMA.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Upang matanggal ng U.S Army Corps of Engineers (USACE) ang mga labi, kinakailangang magsumite ang may-ari ng ari-arian ng form ng Karapatan na Pumasok (ROE) sa County. Walang gastusin na manggagaling sa sariling bulsa na ibabayad sa pagtatanggal ng labi ng USACE. Ang deadline ng pagsusumite ng form ng ROE ay sa Marso 31, 2025.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Tandaan na gamitin lamang ang mga pondo ng tulong mula sa FEMA para sa mga aprubadong gastusin na may kaugnayan sa kalamidad. Itatatakda ng liham ng notipikasyon ng FEMA ang mga tamang paggamit ng iyong tulong sa nasalanta ng sakuna. Maaaring magresulta sa pagbabalik ng pera sa FEMA ang paggastos ng mga pondo para sa ibang layunin maliban sa itinakdang paggamit nito.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Ang mga residente at may-ari ng negosyo sa Los Angeles County na nakaranas ng pinsala o pagkawala ng ari-arian dahil sa mga wildfire noong Enero ay may dalawang linggo na lamang upang mag-apply para sa pederal na tulong sa kalamidad. Ang Lunes, Marso 31, ay ang huling araw para mag-aplay para sa parehong tulong sa sakuna ng FEMA at isang Admininstrasyon ng Maliliit na Negosyo ng U.S. (Small Business Administration, SBA) na pautang sa kalamidad na may mababang interes. Hindi makakaapekto ang deadline na ito sa mga aplikasyon na nasimulan na.
illustration of page of paper
LOS ANGELES – Naglunsad ang FEMA ng proseso ng pag-hire upang ipagpatuloy ang suporta nito sa pagbangon ng California mula sa mga wildfire sa Eaton at Palisades sa Los Angeles County.
illustration of page of paper
LOS ANGELES –Ang mga nakaligtas sa wildfire sa Los Angeles County na nangangailangan ng tulong ay maaaring bumisita sa isang Disaster Recovery Center (DRC) upang mag-aplay para sa tulong sa sakuna, makipag-usap sa isang kinatawan ng FEMA, kumonsulta sa mga kinatawan mula sa iba pang ahensya ng estado at pederal, at makatanggap ng mga update sa kanilang aplikasyon sa FEMA. Mananatiling bukas ang parehong DRCs hanggang sa karagdagang abiso.
illustration of page of paper