BUKAS NA ANG DISASTER RECOVERY CENTER SA EAST ST. LOUIS; DALWANG CENTER ANG SARADO SA BROADVIEW AT ROCKFORD [https://www.fema.gov/tl/press-release/20241107/disaster-recovery-center-opens-east-st-louis-two-centers-close-broadview-and] Release Date: Nobyembre 6, 2024 SPRINGFIELD – Ang FEMA/State Disaster Recovery Center ay magbubukas sa East St. Louis sa Huwebes, Nobyembre 7 sa sumusunod na lokasyon, araw at oras: CLYDE C. JORDAN SENIOR CITIZEN CENTER 6755 State Street East Saint Louis, IL 62203 Mga Oras: Lunes - Biyernes 8 a.m. – 6 p.m., Sabado 9 a.m. – 5 p.m., Sarado sa mga Linggo Ang mga espesyalista mula sa FEMA, estado ng Illinois at U.S. Small Business Administration ay pupunta sa sentro upang tumulong sa mga nakaligtas na mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng mga dokumento, masagot ang kanilang mga tanong nang personal, ma-access ang iba pang mga uri ng tulong na maaaring makuha, at matuto ng mga paraan upang gawing mas matibay ang kanilang ari-arian. Ang Broadview Disaster Recovery Center ay magsasara sa Huwebes, Nobyembre 7 ng 6 p.m. sa sumusunod na lokasyon: BEVERLY CENTER 3031 South 25th Ave. Broadview, IL 60155 Mga Oras: Miyerkules – Huwebes 8 a.m. – 6 p.m. Ang Rockford Disaster Recovery Center ay magsasara sa Biyernes, Nobyembre 8 sa 6 p.m. sa sumusunod na lokasyon: FOREST CITY CHURCH 1280 S. Alpine Rd. Rockford, IL 61108 Mga Oras: Miyerkules – Biyernes 8 a.m. – 6 p.m. Para sa pinakabagong impormasyon sa mga lokasyon at oras ng recovery center, bisitahin ang FEMA.gov/DRC [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator]. Maaaring bumisita sa kahit na anumang center para sa tulong. Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan sa pitong itinalagang county [https://www.fema.gov/disaster/4819/designated-areas] na may pinsala o pagkawala kaugnay ng sakuna mula sa matinding bagyo noong Hulyo 13 -16 ay may hanggang Nobyembre 19 upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Para mag-apply nang hindi bumibisita sa center, mag-online sa DisasterAssistance.gov [https://www.disasterassistance.gov/], i-download ang mobile app ng FEMA [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-products] o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. _Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-a-apply ka._ Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819 [http://www.fema.gov/disaster/4819].