Maaari ba Akong Tumanggap ng Tulong mula sa FEMA kung ako ay may Insurance?

Release Number:
FS 015
Release Date:
Pebrero 9, 2025

Hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benepisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa pagbangon na naibigay ng Insurance; ngunit kung hindi sapat ang Insurance para saluhin ang lahat ng gastusin sa pagbangon, maaaring makatulong ang FEMA. 

Mayroon akong insurance at nakatanggap ako ng liham ng pagtanggi mula sa FEMA:

Kung nakalagay sa iyong aplikasyon na mayroon kang polisiya ng insurance, maaaring magpadala ang FEMA ng liham ng desisyon na nagsasabing hindi ka karapat-dapat sa tulong dahil sa iyong insurance. Basahin nang buo ang liham upang makumpirma ang dahilan ng pagtanggi o desisyon. Sa ibang pagkakataon, ang dahilan ay kadalasang dahil hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benepisyo mula sa insurance. 

Ano ang mga dobleng benepisyo?

  • Ayon sa batas, hindi maaaring magbigay ng pinansyal na tulong ang FEMA kung may iba pang pinagkukunan, tulad ng insurance o mga kawanggawa, na nagbigay na ng pondo para sa parehong pangangailangan dulot ng sakuna o kung mayroong magagamit na pondo mula sa ibang pinagkukunan.
  • Halimbawa ng pagdoble ng benepisyo: Hindi maaaring bayaran ng FEMA ang pagkukumpuni ng tahanan kung ang may-ari nito ay nakatanggap nang sapat na pondo mula sa kanilang insurance company para sa parehong pagkukumpuni.
  • Ang tulong mula sa FEMA ay hindi pamalit sa insurance at hindi kayang saluhin ang lahat ng pagkalugi. Ang mga grant mula sa FEMA ay nilalayon para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan at dagdagan ang gastusin ng aplikante para sa pagbangon mula sa sakuna.

Ano ang dapat kong gawin kung ang insurance ay sumasaklaw lamang sa ilan o wala sa aking mga pinsala?

  • Kung kailangan mo pa rin ng tulong, maaari kang magpadala sa FEMA ng kopya ng mga dokumento mula sa iyong insurance company na nagpapakita ng mga pinsala o gastusin na sinasaklaw ng iyong insurance. Maaaring makatulong ang FEMA sa mga gastusin na hindi saklaw ng iyong insurance.
  • Kasama sa dokumentasyon, ngunit hindi limitado sa liham ng kasunduan mula sa iyong insurance, statement ng mga benepisyo, o kopya ng iyong polisiya sa insurance.
  • Maaaring magbigay ng tulong pinansyal ang FEMA upang matugunan ang agarang pangangailangan ng aplikante kung maaantala ng 30 araw o higit pa ang kanilang mga benepisyo mula sa insurance nang hindi nila kasalanan.
  • Kung makatanggap ang isang benepisyaryo ng bayad mula sa insurance para sa parehong gastusin, kailangan nilang ibalik ang tulong pinansyal na natanggap mula sa gobyerno.
Tags:
Huling na-update