Inaprubahan ng FEMA ang Karagdagang $115 Milyon para sa Trabahong Emerhensiya Kasunod ng Mga Hurricane sa Florida

Release Date Release Number
NR032
Release Date:
Nobyembre 15, 2024

TALLAHASSEE, Florida. - Inaprubahan ng FEMA ang karagdagang $115.5 milyon upang mabayaran ang mga komunidad sa Florida para sa emerhensiyang trabaho pagkatapos ng mga Hurricane Milton, Helene at Debby. 

Kasama dito ang: 

  • $38,181,120 para sa Sarasota County para sa pag-alis ng mga basura
  • $23,993,595 para sa Pasco County para sa pag-alis ng mga basura
  • $37,094,212 para sa lungsod ng St Petersburg para sa pag-alis ng mga basura
  • $6,016,332 para sa Lee County para sa pagtanggal ng mga basura at mga emerhensiyang hakbang sa proteksyon
  • $2,493,179 para sa lungsod ng Tarpon Springs para sa pag-alis ng mga basura
  • $1,548,750 para sa Brevard County para sa pag-alis ng mga basura
  • $6,196,157 para sa lungsod ng Clearwater para sa pag-alis ng mga basura

Sa ngayon, ang Tulong Pampubliko ng FEMA ay nagbigay ng $741.1 milyon para sa Hurricane Milton, $349.6 milyon para sa Hurricane Helene at $111.8 milyon para sa Hurricane Debby. Ang pera ay binabayaran ang estado, mga lokal na pamahalaan at ilang mga organisasyong nonprofit para sa mga emerhensiyang hakbang sa proteksyon at pag-alis ng mga basura. 

Ang programa ng Tulong Pampubliko ng FEMA ay nagbibigay ng kabayaran sa mga ahensya ng pamahalaan ng lokal at estado para sa mga gastos sa pagtugon sa emerhensiya, pag-alis ng mga basura at pagpapanumbalik ng mga nasira sa sakuna na mga pampublikong pasilidad at imprastraktura. Ang mga bahay pagsamba at iba pang mga organisasyong nonprofit ay maaari ring maging karapat-dapat para sa Tulong Pampubliko ng FEMA.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Hurricane Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa Hurricane Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Para sa Hurricane Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. I-follow ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.

 

###

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang at pagkatapos ng mga sakuna.

Nakatuon ang FEMA na tiyakin ang tulong sa sakuna ay natutupad nang pantas, nang walang diskriminasyon

sa batayan ng lahi, kulay, nasyonalidad, kasarian, oryentasyong sekswal, relihiyon, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o katayuan sa ekonomiya. Ang sinumang nakaligtas sa sakuna o miyembro ng publiko ay maaaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Karapatang Sibil ng FEMA kung nararamdaman nila na mayroon silang reklamo ng diskriminasyon. Ang Opisina ng Karapatang Sibil ng FEMA

ay maaaring kontakin sa FEMA-OCR@fema.dhs.gov o toll free sa 833-285-7448.

Tags:
Huling na-update