SPRINGFIELD – Bilang obserbasyon sa pederal na holiday, lahat ng mga Sentro ng Pag-ahon sa Sakuna sa Illinois ay pansamantalang magsasara sa Lunes, Nobyembre 11 para sa Araw ng mga Beterano. Ang mga sentro ay muling magbubukas sa Martes, Nobyembre 12 at susundan ng kanilang nakatakdang oras ng operasyon
Bago ang holiday, isang Sentro ng Pag-ahon sa Sakuna ang magbubukas sa Harvey sa Biyernes, Nobyembre 8 at sa mga sumusunod na lokasyon, mga araw at oras:
Thornton H.S. Professional Development Center
249 E. 151st St.
Harvey, IL 60426
Mga Oras: Lunes - Biyernes 8 a.m. – 6 p.m., Sabado 9 a.m. – 5 p.m., Sarado tuwing Linggo, Sarado sa Nobyembre 11
Ang mga espesyalista mula sa FEMA, estado ng Illinois at U.S. Small Business Administration ay pupunta sa sentro upang tumulong sa mga nakaligtas na mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng mga dokumento, masagot ang kanilang mga tanong nang personal, ma-access ang iba pang mga uri ng tulong na maaaring makuha, at matuto ng mga paraan upang gawing mas matibay ang kanilang ari-arian.
Para sa pinakabagong impormasyon sa mga lokasyon at oras ng recovery center, bisitahin ang FEMA.gov/DRC. Maaaring bumisita sa kahit na anumang center para sa tulong.
Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan sa pitong itinalagang county na may pinsala o pagkawala kaugnay ng sakuna mula sa matinding bagyo noong Hulyo 13 -16 ay may hanggang Nobyembre 19 upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Para mag-apply nang hindi bumibisita sa center, mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang mobile app ng FEMA o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-a-apply ka.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.