Paalala! Suriin ang Mga Heating System at Kagamitan Bago ang Taglamig

Release Date Release Number
DR-4819-IL NR-18
Release Date:
Oktubre 25, 2024

SPRINGFIELD – Habang bumababa ang temperatura at papalapit na ang taglamig, iminumungkahi ng FEMA na siguraduhin na ang iyong heating system, water heater, furnace, at iba pang mga electrical na kagamitan sa iyong tahanan ay gumagana nang maayos kung ikaw ay naapektuhan ng mga malalakas na bagyo noong Hulyo 13 - Hulyo 16. Kung hindi, maaari kang makatanggap ng tulong mula sa FEMA upang muli itong paganahin.

Kung umabot ang tubig-baha sa iyong home heating system, dapat mong ipasuri ang mga ito sa taong may karanasan sa pagkukumpuni para sa ligtas na pagpapaandar. Maaaring makatanggap ng mga pondo mula sa FEMA ang mga may-ari ng bahay na may mga mahahalagang kagamitan at sistema na nasira ng bagyo upang maipaayos o mapalitan ang mga ito. Kapag nag-apply ka sa FEMA, tiyaking iulat ang pinsalang ito sa iyong aplikasyon at panatilihin ang anumang mga resibo o pagtatantya.

Pagkatapos mag-apply, maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang inspektor ng pabahay ng FEMA upang mag-iskedyul ng appointment para beripikahin ang pinsalang iniulat mo sa iyong aplikasyon. Ang mga inspektor ng FEMA ay hindi nagpapasya kung makakatanggap ka ng mga pondo. Pagkatapos makumpleto ang inspeksyon sa bahay, susuriin ng mga espesyalista ng FEMA ang iyong aplikasyon, ang mga resulta ng inspeksyon at/o dokumentasyong isinumite upang matukoy ang lahat ng pinsala at pagkalugi na maaaring maging karapat-dapat. Isang liham na desisyon ng FEMA ang ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng email o koreo ng U.S. postal service.

Pag-apela sa Desisyon ng FEMA na may Bagong Dokumentasyon

Kung nakatanggap ka ng gawad ng FEMA para ayusin ang iyong furnace at/o water heater at sa kalaunan ay matuklasan mong kailangang palitan ang mga bagay na iyon, maaari mong piliing umapela sa FEMA para sa karagdagang mga gawad na pondo. Dapat isumite ang mga apela sa loob ng 60 araw mula sa petsa sa liham ng desisyon.

Ang iyong liham ng FEMA ay magdedetalye ng impormasyon sa kung ano ang kailangang ibigay kung pipiliin mong iapela ang desisyon ng FEMA. Kasama rin sa iyong liham ng desisyon ang Form ng Kahilingan sa Apela na maaaring magamit upang tumulong sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon katulad ng mga kopya ng mga sumusuportang dokumento kalakip ang patunay ng iyong mga pagkalugi na dulot ng sakuna. Ang lahat ng isinumiteng dokumento, resibo, singil, at pagtatantya ay dapat may kasamang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa service provider/kontratista.

Maaaring isumite ang iyong apela sa pamamagitan ng fax o koreo, nang personal, o online kung mayroon kang FEMA online na account. Para sa pag-set up ng FEMA online na account, bisitahin ang DisasterAssistance.gov, i-click ang “Apply Online” at sundin ang mga direksyon.

  • Sa pamamagitan ng koreo: FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055
  • Sa pamamagitan ng fax: 800-827-8112, Attention: FEMA:
  • Nang personal: Bisitahin ang anumang Disaster Recovery Center upang isumite ang iyong apela. Humanap ng center dito: fema.gov/DRC

Upang matuto nang higit pa tungkol sa proseso ng apela ng FEMA, bisitahin ang www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/appeals.

Ang mga nakaligtas na hindi pa nag-a-apply para sa tulong ng FEMA ay dapat mag-apply online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA App sa iyong telepono, bumisita sa Disaster Recovery Center o tumawag sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Ang huling araw ng pag-a-apply para sa tulong ng FEMA ay sa Nobyembre 19. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.

Tags:
Huling na-update