Magbubukas sa Agosto 25 ang Upcountry Maui Disaster Recovery Center

Release Date Release Number
NR007
Release Date:
Agosto 24, 2023

HONOLULU – Isang Disaster Recovery Center ang magbubukas sa Biyernes, Agosto 25, sa Upcountry Maui upang tulungan ang mga residenteng naapektuhan ng mga wildfire na malaman ang tungkol sa lokal, estado, at pederal na mga programang nagbibigay tulong.

Hindi mo kailangang bumisita sa Disaster Recovery Center upang magrehistro para sa tulong ng FEMA.  Gayunpaman, bukas ang Disaster Recovery Center sa mga gustong makipag-usap nang personal sa isang espesyalista ng FEMA.

Ang mga espesyalista mula sa U.S. Small Business Administration, na siyang nagbibigay ng mga disaster loan na may mababang interes sa mga may-ari ng bahay, nangungupahan at mga negosyo sa lahat ng sukat, ay pupunta rin sa Disaster Recovery Center.  Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa  Hawaii wildfires | U.S. Small Business Administration (sba.gov)

Ang Upcountry Maui Disaster Recovery Center ay matatagpuan sa:

Mayor Hannibal Tavares Community Center (Lower Multi-Purpose Room)
91 Pukalani St.
Makawao, HI 96768
Magbubukas ng: 8 a.m. Biyernes, Agosto 25
Mga regular no oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw

Maaaring sagutin ng mga espesyalista sa Disaster Recovery Center ang mga tanong tungkol sa mga programa na nagbibigay tulong at saka ipaliwanag ang mga susunod na hakbang at magbigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon. 

Narito ang mga paraan para magrehistro para sa tulong ng FEMA: 

  • Pumunta sa DisasterAssistance.gov
  • Gamitin ang FEMA mobile app
  • Tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gagamit ka ng relay service tulad ng video relay service (VRS), captioned telephone service o iba pa, ibigay ang iyong numero sa FEMA para sa serbisyong iyon nang ikaw ay mag-apply. Ang mga operator ng helpline ay nagsasalita ng maraming wika at ang mga linya ay bukas 24 na oras bawa't isang araw, pitong araw bawa't isang linggo.  Pindutin ang 2 para sa Espanyol.  Pindutin ang 3 para sa isang interpreter na nagsasalita ng iyong wika.
  • Para sa isang American Sign Language na bidyo kung papano mag-apply, pumunta sa https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=6
  • Maaari mo ring bisitahin ang anumang Disaster Recovery Center.  Maghanap ng isa rito: fema.gov/drc

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa Maui wildfire recovery efforts, bumisita sa mauicounty.gov at fema.gov/disaster/4724. Sundan ang @FEMARegion9 sa Twitterat tsaka sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update