Ang mga lokal na opisyal ng komunidad ay kinakailangang siyasatin ang mga istukturang nasira ng sakuna sa Special Flood Hazard Area (Lugar ng Espesyal na Panganib sa Baha) upang matugunan ang mga kinakailangan sa Florida Building Code (alituntunin sa gusali sa Florida) at ang regulasyon sa pamamahala ng bahaing lugar sa komunidad.
Ang lahat ng may-ari ng pag-aari ay dapat makipag-usap sa mga lokal na opisyal ng gusali upang matiyak kung kinakailangan ang mga permits sa pagpapagawa bago umpisahan ang trabaho.
Kung ang halaga ng pagpapagawa ng istruktura (sa kanyang pre-disaster (bago ng sakuna) na kundisyon bago ng Bagyong Hurricane Idalia) ay 50 porsyento o mas mataas sa kanyang pre-disaster na halaga sa mercado, ang bahay o gusali ay tiniyak na “substantially damaged” (malubha ang pagkasira). Hindi ikinukunsidera ang halaga ng lupa; ang pagdedetermina ay nakabatay nang istrikto sa halaga ng istruktura sa mercado bago nangyari ang pagkasira.
Ang FEMA day hindi gumagawa ng malaking pagpapasiya sa pagkasira; ang pagpapasiya ay ginagawa ng isang opisyal ng gusali sa komunidad o tagapangasiwa ng bahaing lugar.
Ang pagpapagawa ng istrutura sa isang bahaing lugar ay kinakailangan ng permit. Bilang karagdagan, ang isang “substantially damaged” na istruktura ay dapat sumusunod sa Florida Building Code (alituntunin ng gusali sa Florida) at ang regulasyon sa pangangasiwa ng bahaing lugar sa komunidad. Kabilang sa mga opsyon ang floodproofing ng isang hindi-tinitirhang istruktura, paglipat ng istruktura sa labas ng bahaing lugar, pag-angat ng istuktura sa isang taas na tiniyak ng opisyal ng lokal na komunidad, o ang paggiba ng istruktura.
Ang saklaw ng Increased Cost of Compliance (ICC o Itinaas na Gastos sa Compliance) ay isang bayad na saklaw sa ilalim ng nakasegurong patakaran sa baha ng NFIP. Ang mga mayhawak ng patakaran ng mga istrukturang malubhang nasira ng baha, na matatagpuan sa Special Flood Hazard Areas (SFHA o Lugar ng Espesyal na Panganib sa Baha), ay maaaring makatanggap ng hanggang $30,000 sa pamamagitan ng ICC upang matulungang tumugon sa gastos sa pagsunod sa alituntunin ng gusali at mga ordinansa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pangkalahatang tanong sa seguro sa baha, tumawag sa NFIP sa 800-427-4661, o tawagan mo ang ahente mo sa seguro. Maaari ka ring mag-email sa FloodSmart@dhs.gov para humingi ng impormasyon sa wika maliban sa Ingles. Makukuha din ang impormasyon sa FEMA.gov at FloodSmart.gov.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kinikilala bilang Twitter sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.