Pinapalitan ang mga Nawalang Dokumento pagkatapos ng mga Wildfire sa County ng Los Angeles

Release Date:
Enero 18, 2025

Kapag nag-apply ka para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng mga wildfire sa County ng Los Angeles, kakailanganin mong magbigay ng patunay ng pagkakakilanlan at paninirahan at iba pang dokumentasyon. Nasa ibaba ang mga paraan upang mapalitan ang mga iyon at iba pang mahahalagang nawawalang dokumento. Magandang magsimula sa isang Disaster Recovery Center (DRC), kung saan puwedeng mong papalitan ang California Driver’s License at marami pang mahahalagang rekord, kabilang ang mga titulo ng propertySocial Security card, at U.S. Passport. Upang makahanap ng DRC, pumunta sa DRCLocator.

Mga dokumento ng California na baka kailanganin mong papalitan

Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.: Puwedeng makatulong ang California Dept. of Motor Vehicles (DMV) na magbigay ng mga kapalit para sa mga nawawalang lisensya sa pagmamaneho, ID card, at titulo ng sasakyan. Pumunta sa CA DMV - Natural Disaster Assistance online; tumawag sa 1-800-777-0133 (o TTY 1-800-735-2929 o 1-800-368-4327) para sa mga may problema sa pandinig o pagsasalita) o pumunta sa isang DRC.

Impormasyon ng Insurance Policy: Tawagan ang iyong insurance company o agent at humingi ng kopya ng iyong policy, kasama ang Declaration Page, na nagbubuod ng mga uri at halaga ng coverage na mayroon ka at gaano katagal ang mga ito. 

Mga katibayan ng Pagsilang, Kamatayan, o Kasal at Iba Pang Mahahalagang Rekord: Nakikipagtulungan ang California Department of Public Health (www.cdph.ca.gov) sa mga nawalan ng mahahalagang rekord bilang resulta ng sakuna. Ang mga rekord ng pagsilang, kamatayan, at kasal ay dapat hilingin mula sa opisina ng county recorder sa county kung saan nangyari ang kaganapan. Para sa listahan ng mga county recorder, pumunta sa County Registrars and Recorders o tumawag sa 916-445-2684; tumawag sa 711 para saTelecommunications Relay Services, o 1-800-735-2929 o pumunta sa 711 TRS.

Iba pang uri ng mga dokumento na maaaring kailanganin mong papalitan

Mga Social Security Card: Makipag-ugnayan sa Social Security Administration online sa www.ssa.gov/number-card/replace-card. O puwede mong puntahan ang iyong lokal na tanggapan ng Social Security at magsagot ng isang aplikasyon para sa Social Security card sa personal gamit ang valid ID. Upang makahanap ng opisina ng SSA na malapit sa iyo, puntahan ang www.ssa.gov/locator. May mga kinatawan ng Social Security din sa mga DRC.

Mga Medicare Card: Tawagn ang 800-633-4227(TTY 877-486-2048), pumunta sa iyong lokal na tanggapan ng Social Security (tingnan ang itaas) o pumunta sa MyMedicare.gov.

Green Card: Pumunta sa U.S Citizenship and Immigration Services (USCIS) sa www.uscis.gov/green-card/after-we-grant-your-green-card/replace-your-green-card upang kumpletuhin ang Form I-90, ang aplikasyon upang mapapalitan ang isang Permanent Resident card. Para sa iba pang impormasyon: www.uscis.gov.

Mga Pasaporte: Upang mag-report ng nawawalang U.S. Passport, pumunta sa https://travel.state.gov/content/travel/en/passports/have-passport/lost-stolen.html. May mga passport services personnel din sa mga DRC.

Federal Tax Returns: Humiling ng Form 4506 para sa kopya ng iyong tax return sa www.irs.gov/forms-pubs/about-form-4506.

Mga Rekord ng Militar: Kumuha ng impormasyon kung paano magsumite ng kahilingan mula saNational Archives sa www.archives.gov/veterans/military-service-records

Tags:
Huling na-update