Kung nakatira ka sa county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee o Taylor at nagkaroon ka ng pagkasira o nawasak ang iyong personal na pag-aari dahil sa Bagyong Idalia, maaaring magbigay ang FEMA ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Tulong sa Ibang Pangangailangan na probisyon ng Programa Pang-Indibidwal at Samabahayan.
Ang tulong ay sinadya upang matugunan ang mahalagang pangangailangan ng sambahayan, hindi para isabalik ang lahat ng personal na bagay sa pag-aarisa dating kundisyon bago ng sakuna.
Ang tulong ng FEMA para magpagawa at magpalit ng personal na pag-aari ay sumasailalim sa sumusunod na kategorya:
- Kasangkapan: Kabilang ang kinikilalang kasangkapan ng bahay, tulad ng pridyeder, washing machine, atbp.
- Damit: Mahalagang damit na kinakailangan dahil sa pagkawala, pagkasira, o kontaminasyon.
- Muwebles: Kinikilalang muwebles na makikita sa isang silid-tulugan, kusina, banyo, at sala.
- Mahalagang Kasangkapan: Kasangkapan at kagamitan na kinakailangan ng tagapag-empleyo bilang kundisyon sa pagtatrabaho at kinakailangang bagay bilang kundisyon ng edukasyon ng isang aplikante o miyembro ng sambahayan.
- Bagay na Accessible: Nagbibigay din ang FEMA ng tulong para sa mga nasirang personal na bagay sa pag-aari na kinakailangan ng mga aplikanteng may kapansanan.
Dapat matugunan ng mga aplikante ang sumusunod na mga kundisyon para makatanggap ng Personal na Tulong sa Pag-aari:
- Kung nakatanggap ka ng referral para mag-apply para sa isang Pautang sa Sakuna ng SBA Disaster Loan, maaaring nagsumite ka ng aplikasyon at nakatanggap ng pagtanggi.
- Ang bagay ay dapat ipagawa o palitan dahil sa pagkasira ng sakuna.
- Ang mga nakatira sa bahay ay mayroong hindi pa natutupad na pangangailangan para sa nasirang bagay na naidulot ng sakuna. Ang FEMA ay maaaring hindi makapagbigay ng tulong kung ang aplikante ay kayang matugunan yung pangangailangan sa pamamagitan ng isa pang kaparehong bagay na mayroon sila o mayroon ang sambahayan.
- Ang bagay ay pag-aari at ginagamit ng mga nakatira sa bahay.
- Hindi nagbibigay ng tulong ang FEMA para sa mga muwebles at/o kasangkapan na ibinigay ng landlord.
- Ang mga bagay na ginamit ng bisita at kamag-anak na hindi miyembro ng sambahayan bago ng sakuna ay hindi kwalipikadong makatanggap ng tulong.
Para mag-apply para sa tulong ng FEMA, mag-online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA app para sa mga smartphone, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna o DRC (DRC Locator (fema.gov) o tumawag sa 800-621-3362. Maaaring makakuha ng tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo (VRS), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Bukas ang mga linya mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. sa Oras sa Silangan ng Estados Unidos araw-araw.