NFIP Offers Protection from Potential Mudflow Losses

Release Date:
Disyembre 2, 2020

SACRAMENTO, Calif. – Ang sinuman na nakatira sa mga palusong mula sa lugar na nalalos sa nakaraang mga sunog ay magiging magkaroon ng panganib sa pagdaloy ng putik sa susunod na mga ilang taon.

Ang mga sunog ay pumapatay sa mga halaman na sumisipsip sa ulan na siyang may mga ugat na magkakasamang humahawak sa lupa.  Dahil sa walang humahawak upang mabigkis ang lupa maaaring hindi mangailangan ng maraming ulan upang  maging daloy ng putik ang lupa na maaaring umagos ng diretso papunta sa iyong tirahan—kung ikaw ay nakatira sa palusong mula sa isang lugar na naubos ng apoy.

Ang pinsala mula sa pagdaloy ng putik ay madalas na malubha at magastos.  Upang maprotektahan mula sa panganib na ito, ang mga may-ari ng ari-arian ay maaaring kumuha ng polisa ng seguro sa pagbaha mula sa Pambansang Programa sa Seguro sa Pagbaha ng FEMA (FEMA’s National Flood Insurance Program (NFIP)). 

Ang polisa ng NFIP ay sumasakop sa pagdaloy ng putik kung tumutugon sa pangkalahatang kahulugan ng pagbabaha sa ilalim ng polisa ng pamantayan ng seguro sa pagbabaha.   Ang pagdaloy ng putik ay may hiwalay na tinutukoy bilang “isang ilog ng likido at dumadaloy na putik sa ibabaw ng mga pangkaraniwang tuyong lugar ng lupa, gaya ng kung ang mundo ay tinangay ng isang agos ng tubig.”

Ayon sa nakaugalian, hindi kasama sa pagsakop ng seguro sa mga may-ari ng bahay ang pagdaloy ng putik.  Kamakailan, ang ilang seguro ng mga may-ari ng bahay sa California ay sumakop sa pagdaloy ng putik.  Kailangan mong kumunsulta sa iyong ahente ng seguro kung ang iyong polisa sa may-ari ng bahay ay sasakop sa pagkawala dahil sa pagdaloy ng puik.

Ang NFIP ay nagbibigay ng proteksyon sa seguro sa pagbaha sa mga may-ari ng ari-arian, mga nangungupahan at mga may-ari ng negosyo sa mga komunidad na sumasang-ayon na pagaanin ang mga epekto ng pagbabaha.  Kung ang iyong komunidad ay kasama sa programa ng NFIP, maaari kang bumili ng isang polisa ng seguro sa pagbaha sa isang lisensyadong ahente ng seguro sa ari-arian at sakuna.  Ang mga tirahan sa isang-pamilya ay maaaring ipaseguro hanggang sa pinakamalaking halaga na $250,000 at ang mga nilalaman ng tirahan ay maaaring ipaseguro sa isang hiwalay na polisa ng hanggang sa pinakamalaking halaga na $100,000.

Maliban sa ilang mga pagbubukod, ang mga polisa ng NFIP ay may 30-araw na panahon ng paghihintay bago maging epektibo. Ang mga may panganib ng pagbaha o pagdaloy ng putik ay hinihimok na bumili ng seguro ngayon bago dumating ang mga ulan ng taglamig.

Makipag-usap sa iyong ahente ng seguro kung mayroon kang mga katanungan, kung gusto mo ng karagdagang impormasyon at kung handa ka ng bumili ng polisa ng seguro sa pagbaha.  Kung ang iyong ahente ng seguro ay hindi nagbibili ng seguro sa pagbaha, maaari kang makipag-ugnay sa NFIP Help Center sa 800-427-4661 upang humiling ng pagsangguni sa isang ahente.

Maaari ka ring makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa seguro sa pagbaha sa floodsmart.gov.

###

Tags:
Huling na-update