Maaaring magbigay ang FEMA ng tulong pinansyal sa mga aplikante ng Bagyong Idalia na may agaran o kritikal na pangangailangan dahil kinailangan nilang lumikas mula sa kanilang pangunahing tirahan.
Ang mga agaran o kritikal na pangangailangan ay mga gamit na nakaliligtas ng buhay at nagbibigay ng buhay, kabilang dito ang tubig, pagkain, paunang lunas, reseta, pormula ng sanggol, lampin, medikal na gamit na consumable, matibay na kagamitang medikal, personal na gamit sa kalinisan at gasolina para sa transportasyon.
Ang Tulong sa Kritikal na Pangangailangan ay kailangan ng isang-beses na bayad na $700 sa bawat sambahayan.
Ang mga aplikante ay maaaring maging kwalipikado para sa Tulong sa Kritikal na Pangangailangan kung sila ay:
- Nagkumpleto ng aplikasyon sa FEMA
- Nagbigay ng beripikasyon sa pagkakakilanlan
- Nagbanggit sa kanilang aplikasyon na mayroon silang kritikal na pangangailangan at humihiling sila ng tulong pinansyal
- Mayroong pangunahing tirahan na pre-disaster (bago ng sakuna) na matatagpuan sa lugar na itinilaga para sa Tulong sa Kritikal na Pangangailangan. Sa Florida, kabilang diyan ang mga residente ng county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Pasco, Pinellas, Suwannee at Taylor.
- Mga nakaligtas na nag-apply sa FEMA na maaari ring maging kwalipikado para sa karagdagang uri ng tulong pinansyal lampas ng Critical Needs Assistance (Tulong sa Kritikal na Pangangailangan).
Paano Mag-apply para sa Tulong ng FEMA
Marami ang paraan para mag-apply: Mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download FEMA App para sa mga aparatong mobile, o tumawag ng libreng-toll sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. Oras sa Silangan ng Estados Unidos. Maaaring makakuha ng tulong sa karamihan ng mga wika. Para makapanood ng magagamit na bidyo kung paano mag-apply, bumisita sa Tatlong Paraan Mag-rehistro para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube.