DR-4828, 4834-FL Pinagsama-samang Pampublikong Abiso sa Direktang Pabahay
Notice Date |
---|
Petsa ng Abiso: 11 /05/2024.
Ang United States (U.S.) Department of Homeland Security (DHS) Federal Emergency Management Agency (FEMA) ay nagbibigay ng abiso sa publiko tungkol sa layunin nitong magbigay ng pederal na tulong sa mga itinalagang lugar sa loob ng Estado ng Florida. sa ilalim ng pangunahing deklarasyon ng sakuna FEMA-4828-DR-FL (Hurricane Helene) at 4834-DR-FL (Hurricane Milton). Nalalapat ang abiso na ito sa programang Individual Assistance (IA) na ipinatupad sa ilalim ng awtoridad ng Robert T. Stafford Disaster Relief and Emergency Assistance Act, 42 U.S.C. §§ 5121-5207 (Batas sa Stafford). Ang pampublikong paunawa na ito ay may kinalaman sa mga aktibidad na maaaring matagpuan sa o nakakaapekto sa mga wetland area, ang 1 porsyento taunang tansya ng floodplain, mga kritikal na aksyon sa loob ng 0.2 porsyento na taunang tansya ng floodplain, at ang Federal Flood Risk Management Standard (FFRMS) floodplain, tulad ng tinukoy ng 44 CFR 9.7(c). Ang ganitong mga aktibidad ay maaaring masamang makaapekto sa floodplain o wetland o maaaring magresulta sa patuloy na kahinaan sapinsala sa baha.
I. Pampublikong Abiso - Pangunahing Deklarasyon ng Sakuna FEMA-4828-DR-FL, FEM A-4834-DR-FL, at Pangkalahatang-ideya ng Awtorisadong Tulong
Idineklara ng Pangulo ang mga pangunahing sakuna para sa Estado ng Florida alinsunod sa kanyang awtoridad sa ilalim ng Stafford Act noong Setyembre 28, 2024, bilang resulta ng Hurricane Helene, at noong Oktubre 11, 2024, bilang resulta ng Hurricane Milton. Pinapayagan ng Seksyon 408 ng Stafford Act ang Individuals and Households Program (IHP) ng FEMA na magbigay ng tulong pinansyal, at kung kinakailangan, direktang serbisyo sa mga indibidwal at kabahayan sa estado sa loob ng mga county ng Citrus, Columbia, Dixie, Hamilton, Hernando, Lafayette, Levy, Madison, Okeechobee, Pasco, Pinellas, Suwannee, at Taylor; maaaring ang mga karagdagang county italagasa ibang pagkakataon. Maaaring kabilang sa mga aksyong ito ang pagkumpuni, pagpapanumbalik, o pagtatayo ng pabahay; pagbili at paglalagay ng mga transportable temporary housing unit (TTHUs) sa anyo ng mga travel trailer o mga yunit ng manufactured housing units; pagkumpuni ng mga istruktura bilang mababa na hakbang sa proteksyon; at permanenteng pag- install ng TTHUs bilang bahagi ng isang pagbebenta o pagtatapon/donasyon ng pansamantalang pabahay.
II. Mga Pagkilos ng Pederal sa o Nakakaapekto sa Floodplain at Wetlands
Maaaring magbigay ang FEMA ng ilang mga tinukoy na uri ng pansamantalang pabahay sa isang pribado, komersyal, o grupong lugar. Bago magbigay ng pansamantalang pabahay, tutukuyin ng FEMA kung ang pansamantalang aksyon sa pabahay ay nakakaapekto sa 1 porsiyento ng taunang tansya ng floodplain o wetland sa pamamagitan ng paggamit ng prosesong tinukoy sa 44 Code of Federal Regulations (CFR) 9.7(c), Pagpapasya ng lokasyon ng iminungkahing aksyon, pagpapasiya ng Floodplain. Ang isang indibidwal o pamilya ay hindi dapat matatagpuan sa 1 porsyento ng taunang tyansya sa floodplain o wetland malibankung natukoy na ang lugar ay ang tanging praktikal na kahalili.
Para mahusay na mapaglingkuran ang mga nakaligtas sa pagbabaha na nauugnay sa mga Hurricane Helene, at Milton ang FEMA ay naglalayong maglagay ng TTHUs sa Special Flood Hazard Areas sa Citrus, Columbia, Dixie, Hamilton, Hernando, Lafayette, Levy, Madison, Okeechobee, Pasco, Pinellas, Suwannee, at Taylor kung walang posible na mga alternatibo sa labas ng naimapang floodplain. Ang anumang pagkaantala sa paglilisensya ng mga nakaligtas sa ligtas, matatag, at sanitaryong pabahay sa unang pagkakataon ay magdudulot ng matinding paghihirap. Ang paglalagay ng TTHU ay magbibigay-daan sa mga karapat-dapat na residente ng labintatlong (13) county na lumipat mula sa mga programa ng FEMA sa transisyonal na pabahay patungo sa isang mas mahabang pansamantalang solusyon sa pabahay habang ang kanilang mga pangunahing tirahan ay ginagawang magagamit. Natukoy ng FEMA na ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos ay ang paglagay ng TTHU sa ari-arian ng may-ari ng bahay kung maaari.
Tinitiyak ng pagkilos na ito na mapangalagaan ng may-ari ng bahay ang kanilang tirahan habang walang nakatira; makapagsagawa ng pag-aayos sa nasirang tirahan nang may kakaunting abala; manatili sa loob ng kanilang komunidad para sa panlipunan at pang-ekonomiyang kabuhayan; at mapanatili ang nakagawiang paraan ng pamumuhay nang may kaunting pagkagambala at paghihirap.
Kapag hindi magagawa ang paglalagay ng isang THU sa ari-arian ng isang may-ari ng bahay, maaaring ilagay ang isang TTHU sa isang komersyal na lugar ng grupo, na maaari ring matatagpuan sa naimapa na floodplain. Tutugunan ng lahat ng mga paglalagay ng TTHU ang mga ispesipikasyon ng manupakturero at sumusunod sa mga lokal na kinakailangan sa floodplain, kasama ang lahat ng iba pang naaangkop na pederal, estado, lokal o tribo na batas, regulasyon, at mga Ehekutibong Kautusan.
- Isinasaalang-alang ng FEMA ang mga sumusunod na makabuluhang kadahilanan sa paggawa ng determinasyon:
- Iba pang magagamit na mga pansamantalang mapagkukunan ng pabahay sa labas ng floodplain
- Malapit sa mga paaralan, lugar ng pagsamba at nakagawiang mga paraan ng pamumuuhay (pamimili, pakikipag-ugnayan sa lipunan, atbp.)
- Seguridad ng nasirang ari-arian (hitsura ng pag-abandona na nag-aanyaya sa pagnanakaw)
- Makatwirang oras ng paglalakbay at distansya sa trabaho/paaralan/pagsamba/pakikipag-ugnayan sa lipunan
- Preperensya ng nakaligtas kapag ipinakita ang mga pansamantalang pagpipilian sa pabahay at preperensya ng nakaligtas sa paglalagyan ng THU hangga't posible
- Ginamit ng FEMA ang mga sumusunod na pamantayan upang kilalanin ang mga praktikal na kahalili sa paglalagay ng TTHU sa floodplain alinsunod sa 44 C.F.R. § 9.13:
- Mabilis na probisyon ng pansamantalang pabahay
- Potensyal na panganib ng pagbaha sa mga pansamantalang maninirahan sa pabahay
- Epektibong paggastos
- Mga kagawian ng lipunan at kapitbahayan
- Napapanahong pagkakaroon ng iba pang mga mapagkukunan ng pabahay
- Potensyal na pinsala sa floodplain o wetland
- Isinasaalang-alang ng FEMA ang mga sumusunod na pansamantalang pagpipilian sa pabahay kapag gumagawa ng desisyon:
- Mga pagpipilian sa transisyonal na tirahan (mga hotel)
- Mga Rental accommodation
- Pananatili sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya habang ginagawa ang pag-aayos.
- Iba pang magagamit na mga pansamantalang mapagkukunan ng pabahay sa labas ng floodplain
- Ang paglalagay ng TTHUs ay gagawin alinsunod sa mga sumusunod na probisyon:
- Ang mga paglalagay ay pansamantala at para sa layuning magbigay ng emerhensiya na pansamantalang pabahay sa mga nakaligtas sa sakuna
- Isasagawa ng mga kontratista ng FEMA ang paglalagay ayon sa mga espesipikasyon ng manupakturero at susunod sa mga pamantayan sa pamamahala ng floodplain ng NFIP o anumang mas mahigpit na mga regulasyon sa floodplain ng pamahalaan ng pederal, estado, lokal o tribo.
- Bago magbigay ng mga permit sa pagtira, susuriin ng inspektor ng building code para sa hurisdiksyon na iyon ang instalasyon.
- Mga kinakailangan sa elbasyon sa hurisdiksyon kung saan ilalagay ang TTHU na gagamitin. Sa mga kaso kung saan ang pinakamahusay na magagamit na impormasyon ay nagpapahiwatig na mas mahigpit na antas ng elebasyon (lampas sa mga lokal na kinakailangan na elebasyon) ay maingat, gagamitin ang data na ginamit.
- Ang anumang mga epekto sa floodplain ay pansamantala at mababawasan hanggang sa posible.
Ehekutibong Kautusan 14030, Panganib sa Pinansyal na Nauugnay sa Klima (Mayo 20, 2021), muling itinatag ang Ehekutibong Kautusan 13690, Pagtatatag ng Federal Flood Risk Management Standard (FFRMS) at isang Prosesopara sa Karagdagang Paghahanap at Pagsasaalang-alang ng Stake holder Input (Enero 30, 2015), na nagtatag ng FFRMS. Dahil dito, kikilalanin ng FEMA ang naaangkop na pamantayan sa disenyo para sa mga uri ng proyekto na isinasama ang FFRMS-Climate In formed Science Approach (CISA) para sa mga aksyon na matatagpuan sa kahabaan ng mababang lugar sa kahabaan ng mga baybayin ng Golpo at Atlantiko; ang Freeboard Value Approach (FVA) para sa mga lugar ng baybayin at ang 0.2-Percent-Annual-Chance Flood Approach (0.2PFA) para sa mga interior riverine area ayon sa Patakaran ng FEMA 206-24-005 na epektibo para sa ipinahayag ng pederal na mga sakuna noong o pagkatapos ng Setyembre 9, 2024.
Ang FFRMS ay hindi nalalapat sa paglalagay ng mga pansamantalang yunit ng pabahay dahil sa panandaliang katangian ng kanilang paglalagay. Nalalapat ang FFRMS sa mga yunit na iyon kapag ang yunit ay permanenteng nakalagay o nagiging permanente pagkatapos ng pagtayo sa panahon ng pagpapatupad ng IHP. Itatatag ng FEMA ang FFRMS floodplain area at mga kaugnay na elebasyon ng baha sa pamamagitan ng paggamit ng prosesong tinukoy sa 44 CFR 9.7(c) at FEMA Policy 206- 24-005 (FFRMS).
III. Karagdag ang Impormasyon o Komento
Pinoprotektahan ng Rehabilitation Act ng 1973 ang mga karapatang sibil ng mga taong may kapansanan. Ipinagbabawal nito ang diskriminasyon batay sa kapansanan ng pamahalaang pederal, mga pederal na kontratista, at ng mga tatanggap ng pederal na tulong sa pananalapi. Ang sinumang tatanggap o sub-recipient ng mga pederal na pondo ay kinakailangang gawing naa-access ang kanilang mga programang mga indibidwal na may kapansanan. Nalalapat ang mga proteksyon na ito sa lahat ng mgaprograma at negosyo na tumatanggap ng anumang pederal na pondo. Nalalapat ito sa lahat ng mga elemento ng pisikal/arkitektura, programmatiko at aksesibilidad sa komunikasyon sa lahat ng mga serbisyo at aktibidad na isinasagawa o pinondohan ng FEMA. Nilalayon ng FEMA na sumunod sa Rehabilitation Act sa lahat ng pederal na isinasagawa at tinutulungan na mga programa ayon sa mga prinsipyo ng inklusyon ng buong komunidad at unibersal aksesibilidad.
Ang mga Ehekutibong Kautusan 13985 at 14008 ay tumutugon pa sa pangangailangan na makamit ang katarungang pangkapaligiran at pagkamakatarungan sa buong pamahalaanng pederal. Ang pagpapalabas ng mga bagong ehekutibong kautusan nang higit sa 20 taon matapos nilagdaan ang Ehekutibong Kautusan 12898 ay nagpapahiwatig ng direktibo ng administrasyon sa mga pederal na ahensya upang panumbalikin ang kanilang enerhiya, pagsisikap, mapagkukunan, at pansin sa katarungang pangkapaligiran. Sumusunod ang FEMA sa Ehekutibong Kautusan 12898 sa pamamagitan ng pagsusuri sa isang iminungkahing proyekto upang kilalalanin ang pagkakaroon ng mababang kita at/o mga minorya sa populasyon na maaaring naapektuhan ng proyekto. Pagkatapos ay sinusuri ng FEMA kung ang mga populasyon/komunidad na iyon ay magkakaroon ng anumang hindi proporsyonal na mataas at masamang epekto sa kalusugan ng tao o pangkapaligiran mula sa pagpapatupad ng proyekto.
Maaaring ito ang tanging pampublikong abiso tungkol sa mga aksyon na inilarawan sa itaas kung saan maaaring magbigay ng tulong sa pananalapi ang FEMA sa ilalim ng programa ng Indibidwal na Tulong. Ang mga interesadong tao ay maaaring makakuha ng impormasyon tungkol sa mga pag kilos na ito o sa isang partikular na proyekto sa pamamagitan ng pagsulat sa Federal Emergency Management Agency Region IV- 3005 Chamblee Tucker Rd, Atlanta, GA 30341-4112 o sa pamamagitan ng email sa FEMA-R4EHP@fema.dhs.gov. Mangyaring isama sa linya ng paksa ng email ang “DR 4828-FL/DR 4834-FL EHAD”. Ang mga komento ay dapat ipadala nang nakasulat sa address sa itaas sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng abiso na ito.