Sabi-sabi : Nagbibigay lamang ang FEMA ng isang beses na pagbabayad kapag nag-apply ka para sa tulong.

Katotohanan

Ito ay mali. Sinusuri ng FEMA ang bawat aplikasyon sa tulong sa sakuna nang paisa-isa upang matukoy ang mga uri ng tulong na karapat-dapat mong matanggap. Ang iyong natatanging sitwasyon ang magtutukoy ng dami ng tulong na maaari mong matanggap.

Madalas na may mga nakapanlilinlang na pag-aangkin na ang FEMA ay magbibigay lamang ng isang itinakdang halaga ng tulong sa bawat taong mag-apply. Kabilang sa mga halagang karaniwang nakasaad sa mga nakapanlilinlang na pag-aangkin na ito ang $500, $750, at $1,000. Mahalagang tandaan na ang tulong ng FEMA ay hindi isang sukat na angkop sa lahat at ang tulong na natatanggap mo ay batay sa impormasyong ibinibigay mo kapag nag-apply ka. Maaari ka ring makatanggap ng maraming mga tseke mula sa FEMA na may iba't ibang halaga mula sa ilang daang dolyar hanggang ilang libong dolyar.

Maraming mga scam ang nagsasabi rin na maaari kang tumawag sa isang numero ng telepono upang makatanggap ng cash payment mula sa FEMA. Mag-ingat sa mga scam na ito dahil madalas silang dinisenyo upang magnakaw ng iyong pera sa pamamagitan ng pagpapagpanggap na FEMA. Ang opisyal na helpline ng tulong sa sakuna ng FEMA ay 1-800-621-3362.

Huling na-update