Pareho ba ang Transisyonl na Tulong sa Kanlungan (Transitional Sheltering Assistance, TSA), Pagsauli ng Gastos sa Panunuluyan (Lodging Expense Reimbursement, LER), at tulong sa pag-upa?

Hindi. Magkaiba sila.

Ang TSA ay isang programa ng FEMA na inaprubahan para sa mga kwalipikadong sakuna. Nagbibigay-daan ito para sa pansamantala at panandaliang panunuluyan sa isang kalahok na hotel/motel, na direktang binabayaran ng FEMA. Hindi maaaring humiling ang mga nakaligtas ng TSA. Makikipag-ugnayan ang FEMA sa mga karapat-dapat tungkol sa kanilang pagiging karapat-dapat.

Kung kailangan mo ng panandaliang paniniirahan sa isang hotel o motel dahil hindi ka maaaring manatili sa iyong tahanan dahil sa sakuna, maaaring mabayaran ng FEMA ang iyong mga gastos sa panuluyan mula sa bulsa (kuwarto at buwis) sa pamamagitan ng Pagsauli ng Gastos sa Panunuluyan.

Ang tulong sa pag-upa ay pera para umupa ng mga alternatibong tirahan, tulad ng isang apartment, habang inaayos ang iyong tahanan o hanggang sa makakita ka ng permanenteng solusyon sa pabahay pagkatapos ng kalamidad Para sa mga aplikanteng dokumentado, ang patuloy na pansamantalang pangangailangan sa pabahay, ang Tulong sa Pag-upa ay maaaring makuha hanggang 18 buwan mula sa petsa ng sakuna.

Huling na-update