Sabi-sabi : Kinukumpiska ng FEMA at ng Red Cross ang mga donasyon sa tulong para sa wildfire sa Hawaii.

Katotohanan

Hindi ito totoo. Hindi kinukuha ng FEMA at ng Red Cross ang anumang ibinigay na gamit para sa Hawaii. Nakikipag-ugnayan ang FEMA sa maraming nonprofit at boluntaryong mga organisasyon, kabilang ang Red Cross, para alamin ang mga pamamaraan kung paano mabisang maipamigay ang mga donasyon. Sa panahon ng malalaking sakuna, sobrang karaniwan na napipigilan ng malaking bilang ng mga ibinigay na bagay ang pagsisikap sa pagtugon sa kalamidad. Dahil dito, hinihikayat namin ang mga tao na isaalang-alang ang pagbibigay ng pera sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon na tumutulong. Matuto nang higit pa: Magboluntaryo at Mag-donate.

Huling na-update